Paunawa sa Pagka-Pribado ng Applied Science
Huling Update: 6/11/2019
Itong Paunawa sa Pagkapribado (“Paunawa sa Pagkapribado”) ay naglalarawan at namamahala sa koleksyon, paggamit, at mga kalakaran ng pagbabahagi ng impormasyon ng Applied Science, Inc., na nasa 983 Golden Gate Terrace, Grass Valley, California 95945 (“Applied Science”, “kami”, “namin”, and “amin”), kaugnay ng inyong paggamit sa mga website ng Applied Science na www.hemoflow.com, www.hemoflow.eu, at http://www.applied-science.com/ (kolektibo, ang “Site”) sa mga serbisyong inilalaan namin, tulad ng aming mga serbisyo sa pag-iimbak ng dugo at mga solusyon na pang-ospital (kolektibo, ang Site at ang aming mga serbisyo ay ang “Mga Serbisyo”).
Para sa mga indibidwal sa European Economic Area (“EEA”) na mga kostumer namin, ang Applied Science, Inc. ay ang controller ng inyong personal na data. Sa mga indibidwal sa EEA na tumatanggap ng mga serbisyo mula sa isa sa aming mga kostumer (ibig sabihin, isang pasyente sa ospital na gumagamit ng aming Mga Serbisyo o isang donor sa isang imbakan ng dugo na gumagamit ng aming Mga Serbisyo), ang kostumer namin kung gayon ay ang controller ng inyong personal na data, at kami ang taga-proseso na namamahala ng impormasyon para sa kanila. Itong Paunawa sa Pagkapribado ay mailalapat sa aming pagproseso ng personal na data bilang controller. Kung saan namin pinoproseso ang inyong personal na data bilang taga-proseso, mangyaring rebisahin ang kaukulang paunawa sa pagkapribado ng controller.
Bago kayo gumamit o magsumite ng anumang impormasyon sa pamamagitan o kaugnay ng Mga Serbisyo, mangyaring rebisahing mabuti itong Paunawa sa Pagkapribado. Sa pamamagitan ng paggamit sa alinmang bahagi ng Mga Serbisyo, nauunawaan ninyo na ang inyong impormasyon ay kokolektahin, gagamitin, at isisiwalat tulad ng nakabalangkas sa Paunawa sa Pagkapribado. KUNG HINDI KAYO SANG-AYON DITO SA PAUNAWA SA PAGKAPRIBADO, MANGYARING HUWAG GAMITIN ANG MGA SERBISYO.
1. Impormasyon na Kinokolekta Namin
2. Paano Namin Ginagamit ang Inyong Impormasyon
3. Paano Namin Isinisiwalat ang Inyong Impormasyon
4. Mga Legal na Basehan sa Pagproseso ng Personal na Data
5. Online Analytics
6. Online Advertising
7. Paunawa Kaugnay ng mga Senyales na Huwag Babakasin
8. Ang Inyong mga Pagpipilian at Karapatan
9. Mga Paglilipat na Internasyunal
10. Kaligtasan
11. Pagpapanatili ng Data
12. Mga Link sa Mga Serbisyo at Ikatlong Partido
13. Mga Pagbabago sa Paunawa sa Pagkapribado
14. Mga Katanungan Tungkol sa Paunawa sa Pagkapribado
1. Impormasyon na Kinokolekta Namin
Nangonglekta kami ng impormasyon sa maraming paraan, kabilang ang kapag diretso ninyong binibigay sa amin ang impormasyon; kapag passively kaming nangongolekta ng impormasyon mula sa inyo, tulad ng mula sa inyong browser o device; at mula sa mga ikatlong partido. Maaari naming pagsama-samahin ang lahat ng Impormasyon na kinokolekta namin tungkol sa inyo mula sa iba’t ibang pinanggagalingan.
a. Impormasyon na Diretso Ninyong Binibigay sa Amin
Kokolektahin namin ang anumang impormasyon na ibibigay ninyo sa amin. Halimbawa, kung makikipag-ugnayan kayo sa amin sa pamamagitan ng aming Site o gamit ang isang tanong para sa suporta, kokolektahin namin ang tukoy na impormasyon, tulad ng inyong pangalan, email address, telepono, address sa koreo, impormasyon tungkol sa inyong kompanya kabilang ang ibang mga empleyado sa inyong kompanya, at ang nilalaman ng inyong katanungan. Gayundin, kung gagawa kayo ng account sa pamamagitan ng isa sa aming Mga Serbisyo, kokolektahin namin ang inyong pangalan, email address, username, at password.
Bilang karagdagan sa nasa itaas, kung magsusumite kayo ng nilalaman (tulad ng mga patotoo) sa amin, kokolektahin namin ang naturang nilalaman at ang pangalan na gusto ninyong i-post para sa nilalaman na iyon. Mangyaring tandaan na anumang nilalaman (kabilang ang pangalan na ginamit ninyo sa pag-post niyon) na i-post ninyo sa aming Site ay maaaring gamitin ng publiko at hindi namin mahahadlangan ang mga ikatlong partido sa paggamit ng inyong nilalaman sa mga paraang hindi nasasaklaw nitong Paunawa sa Pagkapribado.
Wala kayong panghahawakan o kontrata na nagbibigay ng obligasyon sa inyong bigyan kami ng inyong impormasyon: gayunman, ang tukoy na impormasyon ay maaaring hingin upang magamit ang Mga Serbisyo. Halimbawa, kung hindi ninyo kami bibigyan ng impormasyon para makagawa ng account para sa HemoVue, hindi ninyo magagamit ang Mga Serbisyo ng HemoVue.
b. Impormasyon na Awtomatikong Kinokolekta
i. Impormasyon sa Device/Paggamit
Maaari naming awtomatikong kolektahin ang tukoy na impormasyon tungkol sa computer o device (kabilang ang cellphone o tablet) na ginagamit ninyo sa pagkuha ng aming Mga Serbisyo. Tulad ng mga karagdagang paglalarawan sa ibaba, maaari naming kolektahin at analisahin ang impormasyon tulad ng (a) mga IP address, impormasyon sa lokasyon, mga katangi-tanging pagkakakilanlan sa device, IMEI at TCP/IP address, at ibang impormasyon tungkol sa inyong computer o (mga) device, mga uri ng browser, ginagamit na lengguwahe ng browser, nagpapatakbong sistema, nagdadala ng impormasyon sa cell phone, at ang estado o bansa kung saan ninyo inakses ang Mga Serbisyo; at (b) impormasyon kaugnay sa mga paraan ng pakikipanayam ninyo sa Mga Serbisyo, tulad ng mga sanggunian at mga pahina ng pag-exit sa web at mga URL, uri ng platform, bilang ng pag-klik, mga pangalan ng domain, mga pahinang pinupuntahan, mga pahina at nilalaman na tiningnan at ang pagkakasunod-sunod ng mga pahinang iyon, impormasyon sa istadistika tungkol sa paggamit ng Mga Serbisyo, ang bilang ng oras na ginugol sa mga partikular na pahina, ang mga petsa at panahon na ginamit ninyo ang Mga Serbisyo, ang kadalasan ng inyong paggamit sa Mga Serbisyo, mga log ng pagkakamali, at iba pang katulad na impormasyon. Tulad ng inilalarawan sa ibaba, maaari kaming gumamit ng mga analytics at teknolohiya galing sa mga ikatlong partido na, kasama ang mga cookies at mga katulad na kagamitan, na tutulong sa pangongolekta ng impormasyong ito.
ii. Mga Cookies at Iba Pang Mga Teknolohiya sa Pagbakas (Tracking)
Kinokoleta rin namin ang data tungkol sa inyong paggamit ng Mga Serbisyo gamit ang mga log sa Internet server at mga teknolohiya para sa online na pagbakas, tulad ng mga cookies at/o mga pixel sa pagbakas. Ang isang log sa web server ay file kung saan naiimbak ang aktibidad sa isang website. Ang isang cookie ay isang maliit na file na text na nalalagay sa inyong computer kapag bumisita kayo sa isang website, na nagbibigay sa amin ng kakayahan na: (a) makilala ang inyong computer; (b) maimbak ang inyong mga pinili at mga setting; (c) maunawaan ang mga pahina sa web ng Mga Serbisyo na binisita ninyo; (d), mapaganda ang karanasan ninyo sa paggamit sa pamamagitan ng pagbibigay ng nilalaman at mga advertisement na ibinagay sa mga hinulaang interes ninyo; (e) magsagawa ng mga paghahanap at mga analytics; at (f) tumulong sa mga pagsasakatuparan ng pamamahala para sa kaligtasan. Ang mga pixel para sa pagbakas (minsan ay tinatawag na mga web beacon o mga malinaw na GIF) ay maliliit na tag na elektroniko na may katangi-tanging tagapagpakilala na naroroon sa mga website, mga online ads, at/o email, at dinisenyo para magbigay ng impormasyon tungkol sa paggamit, tulad ng mga impresyon sa ad o mga klik, magsukat ng popularidad ng Mga Serbisyo at kaugnay na advertising, at mag-akses sa aming mga cookies. Maaari din naming samaham ng mga web beacon ang mga email na mensahe, mga newsletter, at iba pang elektronikong komunikasyon upang malaman kung nabasa ba ang mensahe at para sa iba pang analytics, personalisasyon, at advertising. Habang gumagamit kami ng mga karagdagang teknolohiya, maaari din kaming mangalap ng karagdagang impormasyon sa ibang pamamaraan.
Mangyaring tandaan na mapapalitan ninyo ang inyong mga setting para sabihin sa inyo kapag ang isang cookie ay isin-niset o ina-update, o para lubusang hadlangan ang mga cookies. Mangyaring konsultahin ang bahagi na “Tulong” sa inyong browser para sa karagdagang impormasyon (ibig sabihin, Internet Explorer; Google Chrome; Mozilla Firefox; o Apple Safari). Mangyaring tandaan na sa paghadlang sa anuman o sa lahat ng cookies, maaaring mawalan kayo ng akses sa mga tukoy na katangian o handog na Mga Serbisyo.
c. Impormasyon Mula sa Ikatlong Partido
Maaari din kaming mangolekta ng impormasyon tungkol sa inyo o sa iba pa sa pamamagitan ng mga hindi nakasangay na ikatlong partido. Halimbawa, sa abot ng saklaw ng batas, sa sarili naming pagpili, maaaring mangolekta kami ng impormasyon mula sa mga ikatlong partido, kabilang ang mga kumbensyon ng mangangalakal, mga pampublikong sanggunian at mga kompanya na nananaliksik sa merkado at pagpaparami ng benta (marketing). Depende sa panggagalingan, sa impormasyon na makokolekta mula sa mga ikatlong partido ay maaaring kasama ang pangalan, impormasyon sa pag-contact, demographic na impormasyon, impormasyon tungkol sa pinagtatrabahuhan ng indibidwal, impormasyon upang patunayan ang identidad o katapatan, at impormasyon para sa mga dahilang pangkaligtasan o laban sa katiwalian. Maaari naming isama ang impormasyong makokolekta namin sa pamamagitan ng Mga Serbisyo, sa impormasyon na makukuha namin sa mga nasabing ikatlong partido, at sa impormasyon na galing sa anumang iba pang produkto o mga serbisyo na inilalaan namin.
2. Paano Namin Ginagamit ang Inyong Impormasyon
Maaari naming gamitin ang Impormasyon na Kinokolekta Namin mula sa inyo para sa mga sumusunod na layunin:
- Sa mga layunin na dahilan kung bakit ninyo ito ibinigay;
- Upang bakasin ang mga feedback at reklamo ng mga kostumer
- Upang maglaan at paunlarin ang Mga Serbisyo, kabilang ang pagbuo ng mga bagong katangian o serbisyo, paglalaan sa inyo ng mga naka-angkop na nilalaman, at para sa mga teknikal na suporta at suporta sa kostumer;
- Upang magpadala sa inyo ng impormasyon tungkol sa inyong mga kaugnayan o transaksyon sa amin, mga alerto ukol sa account, o iba pang komunikasyon, tulad ng mga newsletter na nag-subscribe kayo;
- Para sa mga layunin ng pagpaparami ng benta at advertising, kabilang ang pagkontak sa inyo gamit ang impormasyon o mga sarbey na sa palagay namin ay interesado kayo kaugnay ng aming mga produkto at Mga Serbisyo at doon sa mga ikatlong partido, at para maglagay ng mga ad sa Mga Serbisyo at mga site ng ikatlong partido;
- Upang iproseso at tumugon sa inyong mga katanungan o para hingin ang inyong feedback;
- Para sa internal na analytics, pananaliksik, at pag-uulat; at
- Upang tumalima sa batas at protektahan ang kaligtasan, mga karapatan, pag-aari, o seguridad ng Applied Science, ng Mga Serbisyo ng aming mga kostumer, ng kanilang mga kostumer, at ng pangkalahatang publiko;
- Upang ipatupad ang mga legal na termino na namamahala sa paggamit ninyo ng Mga Serbisyo.
Mangyaring tandaan na maaaring isama namin ang impormasyon na nakolekta namin mula sa inyo at tungkol sa inyo (kabilang ang impormasyong awtomatikong kinolekta) sa impormasyon na nakuha namin tungkol sa inyo mula sa aming mga kasangay at/o hindi mga kasangay na ikatlong partido, at gagamitin ang naturang pinagsamang impormasyon nang sang-ayon sa Paunawa sa Pagkapribado.
Maaari naming pagkumpulin at/o alisan ng identidad ang impormasyong nakalap sa pamamagitan ng Mga Serbisyo. Maaari naming gamitin ang walang pagkakakilanlan at/o kinumpol na data sa anumang layunin, kasama nang walang limitasyon ang mga layunin para sa pananaliksik at pagpaparami ng benta, at maaari ding ibahagi ang naturang data sa mga ikatlong partido, kabilang ang mga advertiser, mga kabalikat sa promosyon, at/o iba pa.
3. Paano Namin Isinisiwalat ang Inyong Impormasyon
Maaari naming isiwalat at/o ibahagi ang inyong impormasyon sa mga sumusunod na pagkakataon:
- Mga Tagapaglaan ng Serbisyo. Maaari naming isiwalat ang inyong impormasyon sa mga ikatlong partido na nagsasagawa ng mga serbisyo sa ngalan namin, kabilang ang walang limitasyon na pagpaparami ng benta, pananaliksik sa merkado, suporta sa kostumer, pag-iimbak ng data, pag-aanalisa at pag-proseso ng data, at mga legal na serbisyo.
- Pagsunod sa Batas at Proteksyon ng Applied Science at Iba Pa. Maaari naming isiwalat ang inyong impormasyon kung hinihingi ng batas o sa pagtitiwalang ang naturang pagsisiwalat ay pinahihintulutan nitong Paunawa sa Pagkapribado o makatwirang kinakailangan o naaangkop sa alinman sa mga sumusunod na dahilan: (a) upang tumalima sa mga legal na proseso; (b) upang ipatupad itong Paunawa sa Pagkapribado, o ibang mga kontrata sa inyo, kabilang ang imbestigasyon ng mga potensyal na paglabag dito; (c) upang tugunan ang mga reklamo sa anumang nilalaman na lumalabag sa mga karapatan ng ikatlong partido; (d) upang tugunan ang mga hinihiling na serbisyo sa kostumer; at /o (e) upang protektahan ang mga karapatan, ari-arian, o personal na kaligtasan ng Applied Science, ng aming mga ahente at mga kasangay, ng aming mga kostumer, at ng publiko. Kabilang rito ang pakikipagpalitan ng impormasyon sa ibang kompanya at organisasyon upang protektahan laban sa katiwalian, hadlangan ang spam/malware, at iba pang mga katulad na layunin.
- Mga Paglilipat ng Kalakal. Habang patuloy naming pinauunlad ang aming negosyo, maaari kaming bumili, makipag-isa, o makipagbalikatan sa ibang kompanya. Sa mga naturang transaksyon (kabilang na ang pag-iisip ng mga naturang transaksyon, ibig sabihin, dahil sa pagkandili), maaaring isiwalat ang inyong impormasyon. Kung ang alinman sa aming mga pag-aari ay ipinagbili o inilipat sa isang ikatlong partido, ang impormasyon ng kostumer (kabilang ang inyong email address) ay malamang na isa sa mga pag-aari ng negosyo na maililipat.
- Mga Kasangay na Kompanya. Maaari naming isiwalat ang inyong impormasyon sa kompanya na kasangay namin ngayon o sa hinaharap.
- Iba pang Hindi Kasangay na Ikatlong Partido. Maaari naming isiwalat ang inyong impormasyon sa mga hindi kasangay na ikatlong partido na iba pa sa mga inilalarawan sa itaas, kasama ang mga aktibidad sa pagpaparami ng benta ng mga ikatlong partidong iyon, ayon sa mga maiaangkop na legal na salik.
- Pahintulot. Maaari naming isiwalat ang inyong impormasyon sa alinmang ikatlong partido ayon sa inyong pahintulot.
4. Mga Legal na Basehan sa Pagproseso ng Data
Sa ilang hurisdiksyon ay hinihingi ng batas sa mga kompanya na sabihin sa inyo ang tungkol sa legal na basehang pinaninindigan nila para magamit nila o maisiwalat ang inyong personal na data. Sa abot ng nasasakupan ng mga maiaangkop na batas, ang aming mga legal na basehan sa pagproseso ng iyong personal na data ay ang mga sumusunod:
- Upang Tuparin ang Mga Nakatakda sa Kontrata Namin sa Inyo. Karamihan sa aming pagproseso ng personal na data ay upang matugunan ang mga obligasyon na nasa kontrata namin sa kostumer o para makagawa ng hakbang sa kahilingan ng kostumer sa pag-asang magkaroon kami ng kontrata sa kanila.
- Mga Lehitimong Interes. Sa maraming kaso, hinahawakan namin ang personal na data dahil isinusulong nito ang aming mga lehitimong interes sa mga komersyal na gawain tulad ng mga sumusunod sa mga paraang hindi napapatungan ng mga interes o pundamental na mga karapatan at kalayaan ng mga apektadong indibidwal :
◦ Serbisyo sa kostumer
◦ Pagpaparami ng benta at advertising
◦ Pangangalaga sa aming mga kostumer, mga tauhan, at ari-arian
◦ Pag-analisa at pagpapaunlad ng aming negosyo
◦ Pamamahala sa mga legal na usapin
Maaari din kaming magproseso ng personal na data para sa parehong lehitimong interes ng aming mga kostumer at mga kasosyo sa negosyo.
- Legal na Pagtalima. Kailangang gamitin namin at isiwalat ang personal na data sa mga tukoy na paraan upang tumalima sa aming mga legal na obligasyon.
- Consent. Kung saanman hinihingi ng batas, at sa ilang mga kaso sang-ayon sa batas, hinahawakan namin ang personal na data ayon sa pahintulot. Kapag hinawakan namin ang inyong personal na data ayon sa pahintulot, may karapatan kayong iurong ang inyong pahintulot.
5. Online Analytics
Maaari kaming gumamit ng mga serbisyong web analytics ng ikatlong partido (tulad ng Google Analytics) sa aming Mga Serbisyo upang mangalap at mag-analisa ng impormasyon na tinatalakay sa itaas at upang makasuong sa pag-awdit, pananaliksik, at pag-uulat. Ang impormasyon (kabilang ang inyong IP address) na nakolekta sa pamamagitan ng iba’t ibang teknolohiya na analytics na inilalarawan sa bahagi sa itaas na “Mga Cookies at Iba Pang Teknolohiya sa Pagbakas” ay isisiwalat sa o direktang kokolektahin nitong mga tagapaglaan ng serbisyo, na gagamitin ang impormasyon sa pagtataya ng inyong paggamit ng Mga Serbisyo, kabilang ang pagtatanda ng ikatlong partido na website na pinanggagalingan ninyo bago makarating sa aming mga Site, pag-aanalisa ng mga kalakaran sa paggamit, pag-ayuda laban sa katiwalian, at paglalaan sa inyo ng mga tukoy na katangian.
Upang higit pang malaman ang tungkol sa mga Gawain ng Google kaugnay ng pagkapribado, mangyaring rebisahin ang Google Privacy Policy. Upang mahadlangan ang Google Analytics na magamit ang inyong impormasyon para sa analytics, maaari kayong mag-install ng Google Analytics Opt-out Browser Add-on sa pamamagitan ng pagklik dito.
Kung makakatanggap kayo ng email mula sa amin, maaari kaming gumamit ng mga tukoy na kagamitan para sa analytics, tulad ng malinaw na mga GIF, para makasagap ng data, tulad ng kapag binuksan ninyo ang aming mensahe o nag-klik sa alinmang link o mga banner na nasa aming email. Ang data na ito ay nagbibigay sa amin ng kakayahan na tayahin ang pagka-epektibo ng aming mga komunikasyon at mga kampanya sa pagpaparami ng benta.
6. Online Advertising
Ang Site ay maaaring magpasok ng mga teknolohiya sa advertising ng isang ikatlong partido na magbibigay-daan sa paglalaan ng nauukol na nilalaman at advertising sa aming Site o sa mga serbisyo ng ikatlong partido na ginagamit ninyo. Ang mga ad ay maaaring ayon sa maraming salik, tulad ng nilalaman ng pahinang binibisita ninyo, impormasyong ipinapasok ninyo tulad ng edad at kasarian, mga paghahanap, mga demographic data, nilalaman na bigay ng gumagamit, at ibang impormasyon na nakokolekta namin mula sa inyo. Ang mga ad na ito ay maaaring ibinagay sa inyo ayon sa inyong kasalukuyang aktibidad o sa inyong palagiang ginagawa sa maraming panahon at sa kabuuan ng aming Site at iba pang mga serbisyo ng ikatlong partido. Pinapayagan namin ang mga ikatlong partido (ibig sabihin, mga tagapaglaan ng network at ad) na magbigay ng mga ibinagay na ad sa inyo, sa aming Site, at iba pang mga site at aplikasyon, at i-akses ang sarili nilang cookies at iba pang teknolohiya sa pagbakas sa inyong computer, cell phone, at iba pang ginagamit ninyong device para i-akses ang Site.
Wala kaming akses, at hindi pinamamahalaan nitong Paunawa sa Pagkapribado, ang paggamit ng mga cookies o iba pang teknolohiya sa pagbakas na maaaring mailagay sa inyong device ng mga naturang hindi kasangay na ikatlong partido para i-akses ang Site. Kung interesado kayo sa higit pang impormasyon tungkol sa ibinagay na advertising at kung paano ninyo mahahadlangan sa pangkalahatan ang paglalagay ng mga cookies sa inyong computer para makapagbigay ng ibinagay na advertising, maaari kayong bumisita sa Network Advertising Initiative’s Consumer Opt-Out link, saDigital Advertising Alliance’s Consumer Opt-Out link, o sa Your Online Choices para di makatanggap mula sa mga kompanya na lumalahok sa mga programang iyon ng ibinagay na advertising. Para mag-opt out sa Google Analytics para sa display advertising o i-costumize ang mga Google display network ads, bisitahin ang Google Ad Settings na pahina. Hindi namin kontrolado ang mga opt-out link na ito o hindi namin alam kung aling partikular na kompanya ang sumali sa mga programang opt-out na ito. Hindi kami responsable sa anumang pipiliin ninyo gamit ang mga mekanismong ito o ang patuloy na pagkakaroon o kawastuan ng mga mekanismong ito.
Mangyaring tandaan na kahit pa gawin ninyo ang mga opt-out na pagpipilian sa itaas, maaaring patuloy pa rin kayong makatanggap ng mga advertisement, halimbawa, ayon sa partikular na website na inyong tinitingnan (ibig sabihin, mga ad na ayon sa konteksto). Gayundin, kung ang inyong mga browser ay naka-configure na tanggihan ang mga cookies kapag nag opt-out kayo sa DAA o NAI na mga website, ang opt-out ninyo ay maaaring walang epekto.
7. Paunawa Ukol sa Mga Senyales na “Huwag Bakasin” (Do Not Track)
Ang Do Not Track (“DNT”) (Huwag Bakasin) ay isang pribadong pagpipilian na maaari ninyong iset sa ilang mga web browser. Hindi namin nakikilala o hindi kami tumutugon sa mga senyales na DNT na ginawa ng browser, dahil kasalukuyang nagtatrabaho pa ang industriya ng Internet tungo sa pagtukoy ng eksaktong kahulugan ng DNT, ano ang ibig sabihin ng pagsunod sa DNT, at ng pangkaraniwang pagtugon sa DNT. Mas marami pa kayong malalaman tungkol sa Huwag Bakasin (DNT) dito.
8. Ang Inyong Mga Pagpipilian at Mga Karapatan
Lahat ng kostumer ay maaaring magrebisa at mag-update ng tukoy na impormasyon ng kostumer sa pamamagitan ng pag-email sa amin sa [email protected]. Kung ang isang kostumer ay nagrehistro para sa isang account sa amin, maaari din siyang mag-update ng tukoy na impormasyon sa pamamagitan ng pag-log sa account at pag-update ng kanyang impormasyon sa account. Ang ilang kostumer ay maaaring magtalaga ng administrador ng account na puwedeng gumawa ng mga sub-account para sa kostumer na iyon at/o tumingin sa impormasyon na kaugnay ng ibang account ng kostumer na iyon. Lahat ng kostumer ay maaaring mag-unsubscribe sa mga email na pagpaparami ng benta sa pamamagitan ng pag-klick sa “unsubscribe” na link na laman niyon.
Ang mga Indibidwal sa European Economic Area at iba pang hurisdiksyon ay may mga tukoy na legal na karapatan (sa ilalim ng mga mailalapat na eksepsyon at limitasyon) para makumpirma kung may hawak ba tayong personal na data tungkol sa kanila, para maakses ang personal data na hawak natin tungkol sa kanila, at para makahingi ng pagtatama, pag-update, pagbabago o pagbura sa mga naaangkop na sitwasyon. Maaaaring mayroon din kayong mga karapatan na tanggihan ang aming paghahawak ng inyong personal na data, pigilan ang aming pagproseso ng inyong personal na data, at bawiin ang anumang pahintulot na inyong ibinigay . Upang matupad ang mga karapatang ito, mangyaring mag-email sa amin sa [email protected] tungkol sa kalikasan ng inyong kahilingan. Habang marubdob namin kayong inaanyayahan na sa amin muna sabihin ang mga tanong o pag-aalala tungkol sa inyong personal na data, may karapatan din kayong makipag-ugnayan sa kinauukulang superbisor na may awtoridad.
Kung kayo ay isang kostumer ng isa sa aming mga kostumer (ibig sabihin, nagpoproseso kami ng inyong personal na data at hindi kami controller), mangyaring isumite ang inyong kahilingang karapatan ng subject ukol sa data sa kinauukulang controller, at igagalang namin ang inyong mga karapatan sang ayon sa mga instruksyon ng aming mga kostumer.
9. International Users
Ang aming mga sistema ng computer ay kasalukuyang nakabase sa Estados Unidos, at ang inyong personal na data ay ipoproseso sa Estados Unidos, na maaaring hindi naglalaan ng parehong antas ng proteksyon na katulad ng mga batas sa pagkapribado sa inyong hurisdiksyon.
10. Kaligtasan
Naisakatuparan namin ang administratibo, teknikal, at pisikal na mga gawain para sa kaligtasan bilang proteksyon laban sa pagkawala, maling paggamit, at/o pagpapalit ng inyong impormasyon. Ang mga proteksyong ito ay maaaring magbago ayon sa sensitibidad ng impormasyon na kinokolekta namin at iniimbak. Gayunman, hindi namin ginagarantiyahan na ang mga hakbang na ito ay makakapigil sa bawat hindi awtorisadong pagtatangka na i-akses, gamitin, o isiwalat ang inyong impormasyon dahil sa kabila ng aming mga pagsisikap, walang Internet at/o iba pang elektronikong transmisyon ang masasabing lubos na ligtas.
11. Pagpapanatili ng Data
Hahawakan namin ang inyong impormasyon hanggang kinakailangan upang matupad ang mga layuning itinakda dito sa Paunawa sa Pagkapribado o hanggang legal o pinapayagan kaming gawin ito. Maaaring panatilihin sa mga dagdag na pahanon ang impormasyon sa mga kopyang ginawa bilang back-up at para sa pagpapatuloy ng negosyo.
12. Mga Link sa Mga Serbisyo at Ikatlong Partido
Ang Mga Serbisyo ay maaaring maglaman ng mga link o “mag-kuwadro” ng mga website ng ikatlong partido, mga aplikasyon, at iba pang serbisyo. Mangyaring tandaan na hindi kami responsable sa mga gawain ukol sa pagkapribado ng mga naturang site at mga serbisyo. Kung pipiliin ninyong gamitin ang mga naturang link sa ikatlong partido at mga serbisyo, hinihikayat namin kayong basahin ang mga pahayag sa pagkapribado ng bawat isang site na inyong binibisita.
13. Mga Pagbabago sa Paunawa sa Pagkapribado
Patuloy naming tatasahin itong Paunawa sa Pagkapribado habang binabago namin, ina-update, at pinalalawak ang aming Mga Serbisyo, at maaari kaming gumawa ng mga pagbabago sa Paunawa sa Pagkapribado. Anumang pagbabago ay ipo-post dito at dapat ninyong i-check ang pahinang ito nang regular para sa mga update. Kung gumawa kami ng malaking pagbabago dito sa Paunawa sa Pagkapribado, bibigyan namin kayo ng pasabi tulad ng hinihingi ng batas.
14. Mga Katanungan sa Paunawa sa Pagkapribado
Kung mayroon kayong anumang mga tanong tungkol sa Paunawa sa Pagkapribado o sa aming mga gawain ukol sa pagkapribado, maaari kayong makipag-ugnayan sa amin sa [email protected].
Sa patuloy na paggamit ng aming site, pumapayag kayong gumamit kami ng mga cookies, kabilang ang para sa mga layunin ng advertising, tulad ng inilalarawan sa aming Paunawa sa Pagkapribado. Maaari kayong mag-opt-out sa aming paggamit ng mga cookies tulad ng inilalarawan sa aming Paunawa sa Pagkapribado.