Ang ASI ay malugod na nakikibalikat sa Global Blood Fund (GBF) upang makatulong sa mga organisasyong nangongolekta ng dugo sa mga pinakamahihirap na bansa sa mundo
Ang GBF, isang U.S.-based 501(c) (3) na international development charity, ay gumagawa upang magtaguyod at suportahan ang boluntaryong donasyon ng dugo sa Africa, South America at sa ibang bahagi ng mundo kung saan ang kakulangan sa mga donasyon ng dugoay nagreresulta sa kamatayan ng libo-libong tao, pangunahin rito ay mga bata at mga ina na nanganganak. Ang dugo na magagamit doon ay karaniwang hindi ligtas. Ang HIV, malaria at iba pang impeksyon na nakukuha sa pagsasalin ng dugo ay nagdudulot ng pagkawasak ng maraming buhay at pamilya.
Tumutulong ang GBF sa mga lokal na serbisyo ng pagkuha at pagsasalin ng dugo upang bigyan ng edukasyon ang mga tao at maglaan ng mga pagkukunan na makakatulong sa pag-rekrut at pagpapanatili ng mga regular na walang bayad na mga donor. Nakikibalikat rin ang GBF sa mga mauunlad na serbisyo ng dugo sa U.S. at Europa upang i-facilitate ang donasyon ng mga labis sa kailangan na kagamitan sa mga mas mahihirap na bansa. Ang suporta ng ASI sa GBF ay kasam ang paghahanap at paghahanda ng mga nagamit nang ASI na mga produkto para gawing donasyon sa Africa ta ang pagtataguyod ng inisyatibo ng GBF sa Africa Society for Blood Transfusion. Para sa Higit pang Impormasyon, bisitahin ang Global Fund Website.